Heart, naimpluwensyahan si Queen P!

Heart, naimpluwensyahan si Queen P!

February 15, 2022 @ 9:57 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Being chic and fashionable can be contagious.

Ganito ang eksaktong sinapit ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach who does a Heart Evangelista in social media.

Kilalang sucker for branded stuff ang misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Naaliw ang mga netizens sa palitan ng mga mensahe nina Heart at Pia makaraang gumawa ng ingay ang una noong um-attend ng Paris Fashion Week.

Nag-rub off nga kay Queen P ang pagiging fashionista ni Heart after the former posted a pair of Yves Saint Lauren’s pumps na may YSL logo sa heels at Christian Dior black pouch with gold strap.

Pag-amin ni Pia, “Heart made me do it!”

Keri naman kung tutuusin if Pia lugs around with her branded stuff. Lalo siyang mukhang mamahalin o expensive tingnan.

In-acknowledge naman ni Heart ang compliment na ‘yon from Pia.

Samantala, Heart is proud to announce she did a show on Netflix. Hindi nga lang tiyak kung kailan ito ipalalabas.

Heart caught the country by storm sa kanyang pag-attend sa Paris Fashion Week, showing off her luxurious taste.

Kunsabagay, may kasabihan ngang “You don’t buy taste.” Ronnie Carrasco III