Heart, nilinaw na hindi siya ‘Miss Hingi’!

Heart, nilinaw na hindi siya ‘Miss Hingi’!

September 30, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Never naging financially dependent si Heart Evangelista sa kanyang asawang si Senator Chiz Escudero since they got married.

Isa ito sa mga nilinaw ng Kapuso actress sa halos 15 minuto niyang pakikipag-ugnayan with her fans on Instagram live.

Giit niya, “I’ve never been the type who will wait,” implying na hindi siya naghihintay abutan ni Chiz.

“I’m not ‘Miss Hingi’!”

Aniya, very creative at productive daw siya with her time.

This is basically the reason kung bakit nagtatrabaho siya.

Her being in Paris for her fashion gigs ay trabaho raw.

“I am doing what I love, I love dressing up,” sey ni Heart discounting talks na puro lakwatsa lang naman daw doon ang inaatupag niya.

So pagkatapos ba ng trabaho niya sa Paris ay balik-Pinas na siya?

Or is she extending her stay there?

“Indefinitely,” ang maikling tugon niya.

Same answer din sa tanong kung ano nga ba talaga ang score nila ni Chiz, evasive?

Samantala, viral ang video ng isang babae who led a prayer pero ginawang santa si Heart.

May petition o panalangin itong inuusal habang dinadasalan ang tinawag nitong “Our Lady Heart Evangelista” kung saan ang sagot ng mga nagdarasal ay “Pray for us.”

May litrato pa ni Heart sa background na mukhang banal. Ronnie Carrasco III