Heart, pinag-shopping ng ama!

Heart, pinag-shopping ng ama!

January 5, 2023 @ 8:27 AM 1 month ago


Manila, Philippines – “Life is too short to be in ugly clothes.”

Ito ang mantra ng ama ni Heart Evangelista na si Rey Ongpauco na no wonder ay nag-rub off sa fashionistang aktres.

Heart is back in town mula sa Paris, France, thus putting an end to speculations na tagilid ang pagsasama nila ng asawang si Senator Chiz Escudero.

The Kapuso actress welcomed the New Year with Chiz and his twins bilang pagtupad sa kanyang post that she’d see her husband soon.

Doble ang saya ni Heart dahil bukod sa muling pagkikita nila ng kabiyak ay pinag-shopping pa siya ng ama.

To quote Heart, ang tatay raw niya ang shopaholic sa kanilang pamilya.

In her Instagram stories, ibinahagi ni Heart ang kanilang shopping binge.

Like a spoiled daughter to her father, ipinamili ni Rey ng iba’t ibang luxury items ang anak sa Versace store.

Mga damit at sapatos ang mga regalo ni Rey kay Heart na mukhang napaaga dahil sa February 14 pa ang kaarawan nito.

Hindi ‘yon ang unang beses that Rey lavished Heart with branded stuff.

Halos kailan lang nang inabonohan muna ni Heart ang mga pinamili niya na ni-reimburse na lang ng ama.

Si Heart pa naman ‘yung shop till you drop dead kung mag-shopping lalo na ng mga bagay which she fancies.

Maganda rin naman ang motto sa buhay ni Rey: napakaiksi nga naman ng buhay to be slipping into ugly clothes.

Take note, sa kaso ni Heart ay hindi lang sa mga mamahaling damit at sapatos siya naaadik kundi maging sa mga jewelry din.

It’s but expected of Heart to be going around looking her best dahil bahagi ito ng kanyang trabaho which has taken her to Milan and Paris.

Nakakapagtaka pa ba? Ronnie Carrasco III