Heart, pinagdudahang may problema kay Chiz!

Heart, pinagdudahang may problema kay Chiz!

July 29, 2022 @ 11:33 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Simple lang ang tweet ni Heart Evangelista nitong July 27, Miyerkoles: “Lord” na sinamahan ng crying emoji.

Kaso, hindi naging simple ang naging interpretasyon ng mga netizen.

Agad nilang kinunek ‘yon sa posibleng problema ng aktres sa asawang si Senator Chiz Escudero.

Sa katunayan, sa sobrang pagiging assuming ng isang netizen ay nag-post ito ng, “Please give your family priority.”

Parang pinalalabas ng netizen na napabayaan ni Heart ang asawa kaya humihingi ito ng divine intercession.

Basta “Lord” lang naman kasi ang tweet ni Heart na sinamahan ng crying emoji.

Natural, kahit sino’y mapapaisip na meron siyang mabigat na dalahin.

And her problem could be anywhere from her career to her marriage, only Heart knows.

Saka lang napagtanto ng ilang discerning netizens ang petsa at time of the day ng nakakaintrigang post ni Heart.

Umaga ng July 28, ang oras kung kailan nagkaroon ng lindol sa Abra.

Oo nga naman. Pagtawag ‘yon ni Heart sa Itaas, at ang kasunod na crying emoji ay bilang pagdamay sa mga naapektuhan. Ronnie Carrasco III