Heart, rumesbak sa netizen na pinagdudahan ang kaseksihan!

Heart, rumesbak sa netizen na pinagdudahan ang kaseksihan!

June 1, 2021 @ 10:44 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Obyus na tag-init pa rin ang panahon, kaya naman para mapreskuhan ay nag-post si Heart Evangelista sa Instagram ng mga larawan niya na naka-two-piece bikini sa isang beach.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Life takes you down many paths but the best ones lead you to the beach.”

Hindi malimit mag-post ng ganu’n ang 36 anyos na aktres, bagay na umani ng sari-saring komento mula sa mga netizens.

Mas marami ang humanga sa ganda ng hubog ng katawan ni Heart. Makinis din daw ito hanggang singit.

Tugon ni Heart, pinagpaguran daw niya kung paanong na-achieve ang figure na ‘yon sa pamamagitan ng healthy diet at pag-inom ng tubig.

Wala raw kaakibat na gastos ‘yon sa tanong kung magkano ang halagang katumbas ng pagpapaseksi niya.

Pero may isang babaeng graphic artist ang walang takot na nagsabing “filtered” o “edited” daw ang isa sa mga litratong iponost ni Heart. “Get a better graphic artist,” payo pa nito kay Heart.

Agad nag-react si Heart na nagsabing hindi dinaya ‘yon. Kung sakali raw edited ‘yon ay hindi niya ipo-post ‘yon para ipagmalaki. Ronnie Carrasco III