Heart, sinabihang hindi masaya, bumuwelta!

Heart, sinabihang hindi masaya, bumuwelta!

February 20, 2023 @ 7:34 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Despite the odds, Heart Evangelista continues to face life challenges head-on.

Anuman daw kasi ang gawin niya, maganda man ay may mga tao pa ring toxic na patuloy sa paghahanap ng mga maipipintas sa kanya.

May nagpost kasing isang netizen na ipinagpipilitang malungkot pa rin daw siya sa kabila ng pagiging masaya sa buhay.

Anito, “You have sad eyes. I don’t think you’re happy!”

Feeling ni Heart, mas may alam pa raw ito kesa sa kanya kung makapagsalita.

Sagot ni Heart, “Oh, dear…mabigat lang ang lashes ko!”

It appears daw kasi na ayaw siyang makitang masaya ng ibang tao.

Some people would rather see her sad to the point na umiiyak dahil sa nadaramang kalungkutan.

Heart has this again to share: “Ano ba kasi ang gusto n’yo, umiyak ako ng dugo?”

Bale raw ba, ang madalas na gawing isyu sa kanya ay ang ‘di pa niya pagkakaroon pa rin ng anak sa asawang si Senator Chiz Escudero.

It’s such an issue raw na pilit ibinabalik, thus causing her pressure to want to get pregnant.

But Heart shares a piece of well-meaning advice to women who are in the same shoes.

Aniya: “Don’t feel pressured. If you do, I get it but eventually you’ll develop immunity.”

Sabay buwelta sa netizen: “Who doesn’t want to get pregnant? Who doesn’t like to be a mom? Well, I was.”

Matatandaang nagkaroon ng miscarriage noon si Heart.

Bagama’t ikinasakit ‘yon ng kanyang kalooban, Heart has not totally given up her hope na mabibiyayaan sila ni Chiz ng anak. Ronnie Carrasco III