Heart, sinabihang mukhang butiki, rumesbak!

Heart, sinabihang mukhang butiki, rumesbak!

November 8, 2022 @ 5:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines- Kapansin-pansin na malaki ang ipinayat ni Heart Evangelista.
Ikinumpara kasi ng mga netizens ang hitsura niya ngayon bago siya nagpaka-busy sa trabaho in Paris, France.

Kung susumahin, almost two months ding wala sa bansa ang fashion icon.

Kailan lang bale nakabalik si Heart, and in her words, she’s back with a vengeance. Winelkam din niya ang kanyang mga tagasubaybay sa aniya’y Season 3 ng kanyang buhay.

Dahil very noticeable ang pamamayat niya, isang epal na basher commented na mukha raw butiki ang Kapuso actress.

Knowing Heart, she has never been mean with her reaction pero malaman at tumatagos. Sosyal pa rin ang tugon ni Heart sa epal na basher.

Aniya, “Buti ka pa, effortless.”

Kung hindi ‘yon nasakyan ng basher, what Heart meant was mabuti pa ang basher, hindi na kailangang mag-effort para magmukhang butiki!

Obyus na hindi alam ng basher kung ano ang weakness ni Heart kung ang intensyon nito’y saktan ang aktres.

Call Heart anything you want, pero huwag na huwag mong mababanggit ang kawalan niya ng anak despite her many years of being married.

‘Yun ang weak spot ni Heart kung gusto mong kantiin ang damdamin niya.

Sorry na lang sa basher na nakalimutang mag-research! Ronnie Carrasco III