Heart, sumagot sa isyung retokada!

Heart, sumagot sa isyung retokada!

October 28, 2020 @ 4:47 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Isa si Heart Evangelista sa itinuturing na fashion icon sa showbiz.

 

Katunayan, bukod sa pagiging aktres at designer, may sarili rin siyang brand ng bag at exclusive home line collection.

 

Naging creative director din siya ng isang kilalang apparel brand.

 

Noong senador pa ang kanyang mister na si Chiz Escudero, inaabangan lagi ng netizens ang kanyang isusuot tuwing SONA.

 

Sa kabila ng kanyang edad, napanatili rin niya ang kanyang ganda at youthful looking skin.

 

Dahil dito, natanong siya ng isang netizen kung may pagkakataon bang sumailalim siya sa surgery para magmukhang bata at mas maganda?

 

Deretsahan itong sinagot ng Kapuso actress at sinabing never siyang nagpabanat o sumailalim sa cosmetic surgery dahil hindi niya ito ‘bet.’

 

Hirit pa niya, hindi siya against sa mga taong nagpaparetoke dahil nirerespeto niya ang kanilang desisyon kung doon sila magiging masaya.

 

“Never done anything to my face. My eyes and nose, etc, were made by God. I swear. “I have nothing against it. In fact, I am for it if ikagaganda mo. 

 

“I just hate the idea that some people think I’m lying. 

 

“I also scar very bad so that freaks me out,” paliwanag niya. Archie Liao


  •  
  •  
  •  

Loading...