Heart, suot na ulit ang wedding ring, nagka-ayos na sila ni Chiz?

Heart, suot na ulit ang wedding ring, nagka-ayos na sila ni Chiz?

December 28, 2022 @ 10:09 AM 1 month ago


Paris, France – Nabuhayan ng loob ang mga tagasuporta ni Heart Evangelista dahil sa latest post niya sa Instagram.

Kasalukuyang nasa Paris, France ang Kapuso actress where she opted to spend her Christmas.

Pero in her latest post, sinasamantala niya ang pagrampa sa French capital “before heading home before New Year.”

Ang kabuntot na linya ang nagbigay pag-asa sa kanyang mga supporters who are praying hard na maging maayos uli sila ng asawang mambabatas.

Heart posted: “See you soon escuderochiz.”

At kahit maikli lang ang video na kasama ng post, masasabing ang talas ng mga mata ng mga nakapanood niyon.

Napansin kasi nilang suot uli ni Heart ang kanyang wedding ring.

At kung hindi ito patunay na all’s well between her and Senator Chiz ay hindi na namin alam ang tawag du’n.

With Heart’s post, ibig lang sabihin na hindi niya hahayaang maghiwalay ang taon nang magkahiwalay sila ni Chiz.

Matatandaang pinagdudahang the couple was going through a rough patch nang tanggalin ni Heart ang apelyidong Escudero as her handle in her social media account.

Despite speculations about their stormy marriage, neither Heart nor Chiz has come forward to admit na may problema silang mag-asawa.

In fairness, the couple has maintained their quiet dignity amidst talks of separation. Ronnie Carrasco III