Heart, supalpal sa dental hygienist!

Heart, supalpal sa dental hygienist!

October 20, 2022 @ 5:56 PM 1 month ago


Los Angeles, USA – Supalpal si Heart Evangelista sa isang dental hygienist matapos nitong mag-promote ng teeth whitening product sa kanyang Instagram account.

“I always bring this teeth whitening pen with me so I can remove coffee stains after drinking coffee,” said the actress in her caption flexing the product.

Pahayag ng nagpakilalang dental hygienist na may TikTok handle na @jerry_RDH, crowns ang mga ngipin ni Heart at hindi ito pwedeng mapaputi ng whitening pens.

Dagdag pa nito, hindi dapat ginagamitan ng whitening pen ang ngipin right after drinking coffee para tanggalin ang stains.

“Please stop doing ads for whitening. U CANT WHITEN CROWNS LIKE THAT,” panunupalpal nito.

Paalala pa nito sa netizens, huwag basta maniniwala sa mga nagpo-promote ng produkto dahil ginagawa lamang nila ito para makabenta.

Wala pa namang pahayag si Heart patungkol sa bagay na ito as of press writing. Paula Jonabelle Ignacio