Heart, tinupad ang pangako, nag-Bagong Taon with Chiz!

Heart, tinupad ang pangako, nag-Bagong Taon with Chiz!

January 2, 2023 @ 9:18 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Tinotoo ni Heart Evanglista ang ipinost niya sa Instagram while in Paris, France na “see you soon” addressed to her husband Senator Chiz Escudero.

Wari’y tinuldukan na ng Kapuso actress ang hindi mamatay-matay na ispekulsyon na tuluyan na silang nagkahiwalay ng mambabatas.

Sa katunayan, in her Instagram account ay ipinost ni Heart ang litrato nila ni Chiz na magka-holding hands.

Kuha ‘yon mismo nitong New Year’s eve sa kanilang tahanan.

Kasama rin nila sa larawan ang kambal na anak ng senador from his previous relationship na sina Quino at Chelsea.

Matatandaang sa Paris nag-Pasko si Heart.

Inintriga pa nga siya sa kasamang isang matangkad at guwapong foreigner at a dinner date.

Wala namang reaksyon si Heart para linawin ang nasabing sighting.

About the same time, Heart posted on IG na living between two worlds daw siya, referring to Manila and the French capital.

Pero tiniyak niya that she’d see Chiz soon bago mag-Bagong Taon, a promise which she kept.

Even Heart’s and Chiz’s facial expressions betrayed any sign that they’re going through some rough patch in their marriage.

Una nang nilinaw ni Heart na bumili siya ng apartment sa Paris hindi para doon na manirahan.

She opted to acquire a property in Paris para hindi na tumuloy sa hotel sa tuwing may mga fashion engagements siya roon.

Sinasanay na rin daw niyang gumawa ng mga gawaing bahay tulad ng paggo-grocery, pagluluto at paglalaba, tutal naman daw ay maganda ang view ng kanyang kapaligiran.

With Heart’s latest post on being together with Chiz, inaasahang isa nang case closed ang usapin tungkol sa problematic nilang relasyon bilang mag-asawa.

Higit sa lahat, welcome news din ito sa mga tagasuporta ni Heart who have been praying hard for her personal happiness. Ronnie Carrasco III