Heart, umuwi sa bahay nila ni Chiz!

Heart, umuwi sa bahay nila ni Chiz!

November 14, 2022 @ 9:45 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Nakabalik na sa bansa si Heart Evangelista.

Ito’y matapos ng almost two months niyang pamamalagi sa Paris, France.

Proof of her return ay ang pagbibida ng kanyang OOTD o outfit of the day.

Makikita ang kanyang walk-in closet sa video which is a familiar sight to the netizens dahil doon siya sa parteng ‘yon nagbibihis.

Bale Heart’s OOTD consisted of an ensemble na presko sa katawan dahil mainit daw ang panahon dito.

She chose a white crop top which she matched with a black skirt na may slit.

Wait, there’s more.

Nagsilbing katerno ng kanyang kasuotan ang white boots with holes in it para maginhawa pa rin daw ang kanyang pakiramdam.

Sa audio ay maririnig si Heart na, “I’m back with a vengeance. Welcome to Season 3 of my life.”

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang pagbabalik ng fashionistang aktres, hoping na hindi lang sana ito bumalik sa bansa kundi makipagbalikan na rin sa asawang si Senator Chiz Escudero.

In fairness, Heart goes home to their abode sa tuwing galing sa ibang bansa.

Inaantabayanan ng mga netizens kung may gagawing pahayag si Heart about the status of her marriage.

Naiulat kasi that Heart would rather let her close friends do all the talking gayong galing din naman sa kanya ang tsikang tagilid ang relasyon nila ni Chiz.

Baka dahil sa sinabi niyang she’s back with a vengeance ay pahaging na ‘yon that it’s her turn to finally speak up. Ronnie Carrasco III