Heat sibak sa Bucks

Heat sibak sa Bucks

May 30, 2021 @ 9:43 AM 2 years ago


MIAMI  – Pumoste si Giannis Antetokounmpo ng triple-double, pangatlo sa playoff history ng Milwaukee Bucks,  matapos tulungan ang kanyang team na walisin sa apat na games sa Eastern Conference first-round series ang Miami  Heat, 120-103.

Nagtapos si Antetokounmpo na may 20 points, 15 assists at 12 rebounds. Ang dalawa pang Bucks na may record na playoffs triple doubles ay sina Kareem Abdul-Jabbar noong 1970 at Paul Pressey, 1986.

Umabanse ang Milwaukee sa second round ng playoffs matapos idispatsa ang Miami sa unang pagkakataon sa kanilang tatlong playoff matchups.

Ito naman ang unang pagkatataon na na-sweep ang Miami, umabot pa ng NBA Finals noong isang taon, simula ng 2007 kontra Chicago Bulls.

Kumubra rin ang Bucks ng 25 points mula kay Brook Lopez sa kanyang 11-sa-15 shooting habang umambag naman si reserve Bryn Forbes ng 22-point sa pitong 3-pointers na isinalpak at si Khris Middleton ay kumolekta ng 20 points at 11 rebounds.

Kumana rin si  Jimmy Butler ng Miami ng triple-double na 12 points, 10 rebounds at 10 assists habang si Bam Adebayo ay may 20 points at 14 rebounds sa naging pagkatalo sa Bucks. Rico Navarro