“HEAT STROKE BREAK” IPATUTUPAD NG MMDA 

“HEAT STROKE BREAK” IPATUTUPAD NG MMDA 

March 30, 2022 @ 3:51 PM 3 months ago


MAGKAKAROON ng karagdagang 30 minutong ‘heat stroke break’ ang mga traffic enforcer at street sweeper ng Metropolitan Development Authority bukod sa regular na breaktime ngayong tag-init.

Sisimulan itong ipatupad sa darating na Abril upang maprotektahan sila mula sa nararanasang matinding init ng panahon.

Inilabas ni MMDA chairman Atty.  Romando Artes ang isang memorandum circular na muling nagpapatupad ng patakarang “heat stroke break” para protektahan ang field personnel mula sa heat exhaustion, heat stroke, at heat cramps dahil sa matinding heat wave. 

Batay sa kautusan, alternate ang pag-obserba ng adisyunal na break para masiguro na hindi maaapektuhan ang daloy ng trapiko. 

Ang field personnel ay maaari ring gumamit ng karagdagang 15 minutong break time sakaling ang heat index o ang “human discomfort index” sa Metro Manila ay umabot sa 40 degrees Celsius at pataas. Gaya ng tinukoy ng PAGASA o ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, ang heat index ay nagbibigay ng ‘maliwanag’ na temperatura, o kung ano ang nakikita o nararamdaman ng mga tao bilang temperatura na nakakaapekto sa kanilang katawan.

Magtatagal ang heat stroke break ng MMDA hanggang Mayo 31, 2022.

Paalala sa publiko, kinakailangang bawasan ang oras ng paglalagi sa labas ng bahay lalo na sa tanghali. Kung sakali kayo ay naglalakad sa mga lugar na walang masisilungan, laging tandan, magbaon at magsuot ng malapad  na sombrero o kaya gumait ng payong.

 Uminom ng maraming tubig, lalong-lalo na sa panahon ng tag-init, kung labis kayong pinawisan at mainit ang inyong nararamdaman, magpahinga muna. Ang payo ng doctor, “Uminom ng walong basong tubig, mas maraming tubig, mas maganda para sa inyong kalusugan”.  Ang pag-inom ng tsaa, kape, softdrinks, at alak hindi kasama sa bilang.  

Kung kayo ay mahilig naman sa sports, tulad ng golf, basketball o swimming, gawing sa umaga o bandang hapon, kung saan hindi na gaaano mainit para maiwasan ang heatstroke o pagkahilo o masakit ang ulo.