Heat wagi vs Celtics sa Game ng EC finals

Heat wagi vs Celtics sa Game ng EC finals

May 18, 2022 @ 1:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umiskor si Jimmy Butler ng 17 sa kanyang 41 puntos sa isang epic third-quarter uprising para tulungan ang host Miami Heat  na manalao sa iskor na 118-107 kontra sa Boston Celtics sa Game 1 ng Eastern Conference.

Umambag din si Butler ng siyam na rebounds, limang assist, apat na steals at tatlong blocked shots para tulungan ang Miami na malampasan ang 13-point, second-quarter deficit gamit ang third quarter para agawin ang kalamangan, 93-76, sa pagpasok ng final quarter.

Kumamada rin si Tyler Herro ng 18 puntos at walong rebounds habang si Gabe Vincent ay umiskor ng 17 puntos para sa Miami.

Nagtala si Jayson Tatum ng 29 puntos, walong rebound, anim na assist at apat na steals para sa Celtics. Si Jaylen Brown ay may 24 puntos at 10 rebounds, si Robert Williams III ay nagdagdag ng 18 puntos at siyam na rebounds at si Payton Pritchard ay umiskor din ng 18 puntos para sa Boston.

Gagawin ang  Game 2 ay Biyernes ng gabi sa Miami.

Naglaro ang Celtics nang walang NBA Defensive Player of the Year na si Marcus Smart (kanang paa) at Al Horford (COVID-19 protocol). Nagsimula si Williams sa lugar ni Horford, na bumalik mula sa apat na larong pagliban sanhi ng pinsala sa kaliwang tuhod.

Wala naman ang pambato ng Heat na si Kyle Lowry (kaliwang hamstring) sa ikapitong pagkakataon sa nakalipas na siyam na laro.

Umiskor si Max Strus ng 11 points at nagdagdag si Bam Adebayo ng 10 points at apat na blocked shots para sa Miami. Nakuha ng Heat ang 48.8 percent mula sa field, kabilang ang 10 of 30 mula sa 3-point range.JC