Heatwave sa North Korea at South Korea, pinangangambahan

Heatwave sa North Korea at South Korea, pinangangambahan

August 4, 2018 @ 9:52 AM 4 years ago


Korea – Nangangamba na ang North Korea at South Korea sa nararanasang heatwave sa buong Korean Peninsula.

Sa  ngayon ay umabot na sa 37.8 degrees Celsius ang temperatura sa Pyongyang habang sa South Korea naman ay 39 degrees Celsius na pawang pinakamataas sa kasaysayan.

Mayroon nang naitalang 28 na nasawi mula sa South Korea.

Nanawagan naman ang NoKor sa kanilang mga mamamayan na tulungan silang protektahan ang mga tanim ngayon tagtuyot dahil minsan nang nakaranas ng ‘scarcity’ o taggutom ang bansa.

Ayon sa state media na KCNA, nahaharap sa panganib ang mga tanim na bigas at mais dahil sa tag-init.

“Officials and working people in all fields and units… should turn out as one and devotedly work out of patriotism in the campaign to prevent damage by high temperature and drought,” ayon sa ulat.

Dagdag pa ng report, minamadali na ang irrigation equipment at pagggawa sa mga bagong balon at water reservoirs. (Remate News Team)