Heaven, aminadong heaven and hell ang relasyon kay Kiko!

Heaven, aminadong heaven and hell ang relasyon kay Kiko!

January 1, 2022 @ 1:33 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Finally, nagsalita rin si Heaven Peralejo tungkol sa naging relasyon nila ni Kiko Estrada.

Both heaven and hell aniya ang experience niya sa actor nang tanungin ito sa guesting niya sa Magandang Buhay.

Pagbabahagi ng aktres, naging masaya naman siya at maraming natutunan kaya partly ay heaven pa rin ang kanyang relasyon with Estrada.

Nang tanungin naman kung bakit “hell” at the same time, the usual answer. Ayon kay Heaven, in life hindi naman lahat masaya.

Awww. Magpapalit na ang taon pero the bashers will always be there.

Pang-aasar nga nang iba, “Hell siguro kasi katakot-takot na bashing ang natanggap mo dahil sa pagsira kina Devon at Kiko!”

Uy. Kalma.

Huling update sa puso ni Peralejo na single ito but not ready to mingle at magfo-focus muna sa sarili.

Effective pa rin kaya ito hanggang 2022? Hehe. Paula Jonabelle Ignacio