Heaven, na-bash sa maling IG caption!

Heaven, na-bash sa maling IG caption!

November 27, 2021 @ 2:05 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Halos dalawang araw matapos ang kaliwa’t kanang bashing ay panenermon naman ng netizens ang natanggap ni Heaven Peralejo. In-edit na nga ni Heaven ang kaniyang Instagram caption na naging trending topic sa buong social media world.

Sa IG post kasi ng aktres for her 22nd birthday, sumablay ito sa caption matapos gamitin ang “rotation” instead of “revolution” para sa 22 years of existence nito mundo.

“22 rotations around the sun and cheers to more.

“Grateful for all the lessons, blessings, and people in my life that have helped shape the woman I’m becoming.

“Here’s to thriving, smiling, and riding through the waves of life,” oroginal caption ni Heaven sa kanyang birthday post na wala pang ilang minuto mula ng ipost ay libo-libong tao na ang nam-bash at nagtuturo sa kanya sa maling term nito.

Pinangatawanan pa ng aktres ang caption noong una at nag-live pa with her friends para ipaglaban ang “rotation” caption nito.

As expected, lalo siyang pinutakte ng bashers. Kaya naman ilang oras matapos ang live nito, in-edit na niya ang caption at in-admit ang pagkakamali.

“22 revolutions

“Edit: Thank you for the Science lesson guys!”

Bahagi ng edited caption ni Peralejo na nagpasalamat pa sa mga nagturo sa kanya ng tamang Science term.

Stop na sa pagsabing sisiw si Heaven guys. Tinanggap na niya ang mistake niya! Hehe. Paula Jonabele Ignacio