Heaven, sinisi ang mga basher sa tigyawat!

Heaven, sinisi ang mga basher sa tigyawat!

August 29, 2022 @ 12:50 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Malaking epekto kay Heaven Peralejo ang pagkakaroon niya ng skin problem, specifically tigyawat.

Ilang taon na raw niyang problema ang kanyang acne to the point na apektado ang kanyang timbang.

Hindi naman lubos maintindihan ng mga netizen ang kaugnayan ng pimples ng aktres sa kanyang weight loss.

Apektado ba ang kanyang appetite? Nawawalan ba siya ng ganang kumain?

Sa halip nga na maisip na isang mahusay na dermatologist lang ang katapat ng skin problem niya, mas pinagdiskitahan ni Heaven ang mga basher niya.

Although naroon ang acceptance na normal lang sa tao ang tubuan ng acne, may hanash siya laban sa mga bashers.

Emote niya sa social media, “I’ve learned to embrace my flaws. Don’t let anybody make you feel bad about yourself.”

Ganoon naman daw pala, pero bakit nakaturo ang kanyang accusing finger sa mga bashers?

Naghahanap lang daw ng scapegoat ang aktres at the expense of the netizens.

Kung tutuusin daw, madali lang solusyunan ni Heaven mismo ang kanyang skin problem.

Naglipana nga naman ang mga celebrity skin doctors na i-promote lang niya ang mga ito’y hindi niya kailangang magbayad.

Lumalabas tuloy that Heaven’s problem is not her skin kundi siya mismo!

Ang harsh! Ronnie Carrasco III