Heaven, suko na, na-trauma sa jowang taga-showbiz!

Heaven, suko na, na-trauma sa jowang taga-showbiz!

January 3, 2023 @ 5:25 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Nilinaw ni Heaven Peralejo na walang katotohanan ang pang-iintriga sa kanila ni Ian Veneracion, na kapareha niya sa pelikulang Nanahimik Ang Gabi.

May mga nagsasabi kasi na noong ginagawa pa lang nila ang nasabing pelikula ay sweet sila kahit off-cam.

“Siguro kasi, of course, we work together, kailangan ko rin namang galingan. Siguro nadadala ko lang off screen, pero what I have for him is respect.

“Full of respect and, of course, love din. May pagmamahal din ako kay Chief (pangalan ng character ni Ian sa NAG). He’s the best partner, what can I do, ‘di ba?”sabi ni Heaven nang makausap namin sa block screening ng Nananahimik Ang Gabi, sponsored ng BNY.

Ayon pa kay Heaven, hindi siya papatol sa may asawa.

“Hindi ako yung tipo ng babae na nakikipagrelasyon sa isang lalaking may pananagutan na sa buhay. Ayokong maging homewrecker,” aniya pa

Walang pang bagong karelasyon si Heaven after nilang maghiwalay ni Kiko Estrada.

Kung sakaling papasok ulit siya sa isang relasyon, ayaw na niya ng taga-showbiz.

“I cannot, I really cannot. Na-trauma na ako, especially ako nga, personally, ayoko na ng showbiz na dyowa. Na-trauma na ako. Parang di na siya nakakatuwa.

“Pero masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Di ko kailangan ng lalake.

“Ako, masaya ako sa buhay ko. Ang love life ko kasi ngayon is career ko, ‘yun ang pinagkaka-busy-han natin.

“Pero kung may darating, darating, pero kung wala, e, di wala,” diin pa ni Heaven.

Ano ba ang mga natutunan niya sa nakaraan niyang mga relasyon na ia-apply niya sa susunod niyang pakikipagrelasyon?

Sagot niya, “I learned a lot. Siguro una kong natutunan, kung di talaga, di talaga. Mararamdaman mo kasi yun, if everyone is against it, there’s something wrong.

“Sobrang immature ko pa. Kumbaga nu’ng mga panahon na yun na I thought love is supposed to be like this, now I know much more.

“It’s supposed to be free-flowing. It gives you dapat happiness, dapat walang stress.

“Pag binibigyan ka na ng pimples at sakit ng ulo, hindi na siya maganda, di na siya nakakatulong.” Rommel Placente