Heavyweight champ Fury kinasahan ni  Joshua

Heavyweight champ Fury kinasahan ni  Joshua

September 7, 2022 @ 12:01 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi inatrasan ni Anthony Joshua ang hamon ni Tyson Fury para sa laban nilang naikasa sa Disyembre.

Sa isang statement, hinamon ni Fury si Joshua para maglaban sila sa tinaguriang “Battle of Britain” para sa WBC heavyweight boxing belt.

Sinabi ng 32-anyos na si Joshua,  matapos ang pagkatalo niya kay WBA, WBO, IBF at IBO champion Oleksandr Usyk noong nakaraang buwan sa Saudi Arabia ay nais niyang makabalik sa boxing sa katapusan ng taon.

Sinabi naman ng 34-anyos na si Fury noong Abril na nais lamang niyang pagbigyan ang kanyang asawa sa pangako nitong siya ay magreretiro na sa boxing.

Pinamamadali ni Joshua kay Fury  ang mga kontrata para mapirmahan na ito sa madaling panahon.JC