Heightened alert ikinasa ng PCG para sa balik-eskwela

Heightened alert ikinasa ng PCG para sa balik-eskwela

August 2, 2022 @ 10:56 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Idineklara ng Philippine Coast Guard (PCG) ang heightened alert status para sa pagpapatupad ng Oplan Balik Eskwela 2022 mula 15 hanggang 29 Agosto 2022.

Ayon sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, sinabi ng PCG na makikipag-ugnayan ang PCG sa Philippine Ports Authority (PPA) at Cebu Ports Authority (CPA) para sa 24/7 operasyon ng DOTr Malasakit Help Desks (MHDs) sa mga pangunahing daungan, at iba pang pasilidad ng maritime transport kung saan inaasahan ang matinding pagdagsa ng mga pasahero dahil sa pagpapatuloy ng mga klase.

Ayon sa PCG, ang DOTr MHDs ay dapat ding pangasiwaan ng isang medical team para magbigay ng first aid at iba pang kinakailangang tulong para sa mga sea passengers.

Bukod sa pagtanggap at paghawak ng mga reklamo mula sa riding public at maritime stakeholders, ang DOTr MHDs ay dapat ding mag-ulat ng mga posibleng banta sa kaligtasan ng publiko, magbigay ng pagkain sa mga stranded na pasahero, at tumulong sa pag-book ng mga serbisyo sa transportasyon sa kalsada.

“Our Coast Guard Districts will also deploy additional K9 teams and security personnel to intensify vessel safety checks and pre-departure inspections to ensure convenient, safe, and secure sea transport services. They are also in charge of reminding vessel crew and passengers on their compliance with minimum public health standards amid the ongoing pandemic,” sabi ni CG Admiral Abu.

“We will also conduct 24/7 maritime patrol operations to avoid “colorum” or undocumented watercraft from operating as they are more prone to maritime accidents,” dagdag pa ng Admiral.

Bukod dito, inatasan ng Coast Guard Commandant ang Coast Guard Fleet at ang Coast Guard Aviation Force na mag-deploy ng mga sasakyang-dagat at air asset para sa pagsasagawa ng maritime surveillance sa mga pangunahing sea lane sa bansa.

“The PCG will work closely with the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police (PNP) to maintain security and safety in sea transport services. We call on the riding public to comply with stricter inspection of baggage and support the implementation of additional security layers in ports and passenger terminals to prevent hostile elements from perpetrating terrorist acts,” sabi pa Coast Guard Commandant .

Samantala, ang mga PCG Districts ay nagtipon din ng mga deployable response group (DRGs) na handa para sa agarang pagpapadala sa panahon ng maritime accident , bagyo, at iba pang mga emergency na magaganap sa panahong ito upang itaguyod ang kaligtasan ng mga buhay at ari-arian. Jocelyn Tabangcura-Domenden