Heightened alert status ikakasa ng LTFRB sa Mahal na Araw

Heightened alert status ikakasa ng LTFRB sa Mahal na Araw

April 6, 2022 @ 7:30 PM 3 months ago


MANILA, Philippines-  Nakatakdang sumailalim ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa heightened alert sa inaasahang dami ng mga biyahero sa Mahal na Araw at tag-init.

Sa ilalim ng “Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2022” ng Department of Transportation (DOTr), itinalaga ang LTFRB has been sa pagsisiguro sa kaligtasan ng mga pasahero, maging sa pagsunod ng bus terminals sa health protocols.

Magsasagawa rin ang LTFRB ng random inspection sa mga bus upang masiguro ang kahandaan at kaligtasan ng mga pasahero.

Maglalagay din ito ng “Malasakit Help Desks” sa integrated terminals at iba pang lugar malapit sa mga terminal upang magbigay ng impormasyon sa mga pasahero. RNT/SA