‘Hello, Love, Goodbye’ dapat sa’min ni Quen ‘yun – Liza

‘Hello, Love, Goodbye’ dapat sa’min ni Quen ‘yun – Liza

March 7, 2023 @ 9:00 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines- The year 2019 churned out the highest grossing Filipino film, at ito ang Hello Love Goodbye.

Sino’ng mag- aakalang naging reyalidad ang pagtatambal nina Kathryn Bernardo at Alden Richards to think na magkaiba sila ng TV network na kinabibilangan.

But Star Cinema, the film arm of ABS-CBN, made it all happen.

Ang latest, inamin ni Liza Soberano sa vlog interview sa kanya ni Bea Alonzo that the said project was first offered to her and her real-life boyfriend Enrique Gil.

Nagpakita naman ng interes si Liza na gawin ang proyekto.

Hindi nga lang sila natuloy ni Quen dahil that time ay dine-develop pa raw ang istorya.

Ani Liza, maghihintay raw sila until fully developed na ang kuwento.

Next thing was, out na si Liza pero mare-retain si Quen.

Nagtatakang tanong daw ni Liza, bakit nagkaganoon?

All along she thought na sa kanya mapupunta ang proyekto only to be given to someone else.

Hindi yata na-realize ni Liza ang katotohanang 2019 pa nang gawin ang pelikula, bakit ngayon lang siya pumiyok?

May saysay o bearing pa ba ang hanash niya to think na wala na nga siya sa ABS-CBN?
Si Liza na rin ang nagsabi that she’s not in favor of loveteams.

Aniya, isang phenomenon lang daw ang mga tambalan na nag-e-exist lang sa Pilipinas.
Worse, ayaw raw ni Liza na ikahon siya sa loveteam dahil hindi raw ‘yon nakakatulong sa mental health ng isang artista.

Teka, hindi ba’t si Liza na mismo ang umayaw na itambal si Quen sa iba dahil baka raw hindi pa handa ang kanilang mga fans?

Umayaw din si Liza na itambal siya sa ibang leading man.

Bakit magulo ang takbo ng utak ni Liza ngayon?

Hindi pa ba sapat na mabansagan siyang inggrata at walang utang na loob, at gusto pa niyang matawag na “may saltik” dahil sa mga “recycled” na hanash niya?
Ronnie Carrasco III