Helper, grinipuhan ng nakaalitan

Helper, grinipuhan ng nakaalitan

July 31, 2018 @ 3:33 PM 4 years ago


 

Tondo, Manila – Kasalukuyang inoobserbahan sa Gat.Andres Bonifacio Medical Center ang isang 36 anyos na helper makaraang magtamo ng saksak sa kaliwang bahagi ng katawan mula sa lalaking kanyang nakaalitan sa Tondo, Manila iniulat ng pulisya.

Nakilala ang biktimang si Arlan Lacsamana habang nakatakas naman ang suspek na nakilala lamang na si alyas ‘Tonton.’

Base sa ulat ng Manila Police District (MPD) Raxabago Police Station 1,  bandang 11:40 ng tanghali nang maganap ang insidente sa Slip-O Pier 2, North Harbor, sa Tondo.

Bago ang pananaksak, kumakain umano ang biktima sa naturang lugar nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek.

Umalis naman agad ang suspek, lingid sa kaalaman ng biktima inabangan na pala siya ng suspek sa naturang lugar at nang makita ay kaagad na sinaksak sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan at kaliwang braso.

Nang makitang duguan na ang biktima ay mabilis nang tumakas ang suspek, habang isinugod naman ng ilang saksi ang biktimasa pagamutan na kasalukuyang inoobserbahan. (Rene Crisostomo)