Hepe ng 2 naarestong pulis dahil sa umano’y pangingikil, nagpaliwanag

Hepe ng 2 naarestong pulis dahil sa umano’y pangingikil, nagpaliwanag

July 19, 2018 @ 3:37 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – “Lehitimo ang pagkakatimbog ng mga tauhan ko sa pitong pinaghihinalaang Human Trafficker, kaya hindi ako natatakot na masibak sa puwesto” ayon kay Chief Insp. Joey De Ocampo, hepe ng District Special Operation Unit ng Manila Police District, matapos pasukin ng Counter Intelligence Task Force ang headquarters sa United Nations Avenue sa Ermita, Manila ng madaling araw.

Dalawa sa kanyang mga tauhan ang binitbit na nakilalang sina PO1 Erdie Bautista at PO1 MJ Cerilla, habang apat pa rito ang tinutugis na sina PO3 Michael Chavez, PO3 Dindo Encina, PO1 Arcadio Orbis, at PO1 Martinico Mario.

Ilan sa mga nakapanood ng footage sa network ang nagsabing OA o Over Acting ang ilang tauhan ng CITF na animo’y pupunta sa Marawi dahil naka-full battle gear pa ang mga ito bukod sa pinadapa ang nakatalagang pulis sa gate.

Depensa ni Chief Insp. De Ocampo, inaresto nila ang pitong sangkot sa Human Trafficking, kamakalawa ng bandang 5:00 ng hapon sa Sta. Mesa, Manila.

Hindi umano sila nanghihingi ng P100,000 kapalit ng kanilang kalayaan, dahil na rin sa may complainant.

Sinasabi pa na nagkaroon umano ng tawaran hanggang sa nauwi sa P50,000 na lamang ang hinihinging pera ng mga naturang pulis.

Gayunman, upang matakasan ang kasong kahaharapin ng mga suspek, ilan sa mga kaanak ng mga ito ang nagsumbong sa mga tauhan ng PNP-CITF.

Dahil dito, bandang 12:30 ng madaling araw na ng ikasa umano ang isang entrapment operation ang CITF, na nagresulta sa pagkadakip nina Bautista at Cerilla, habang sina Chavez, Encina, Orbis, at Mario ay patuloy pa rin umanong pinaghahanap. (Rene Crisostomo)

 

Read:  2 pulis Maynila, inaresto dahil sa umano’y pangingikil; 4 pa nakatakas

https://remate.ph/2018/07/19/2-pulis-maynila-inaresto-dahil-sa-umanoy-pangingikil-4-pa-nakatakas/