Hepe ng Pilar, Bataan patay sa sariling baril

Hepe ng Pilar, Bataan patay sa sariling baril

August 30, 2022 @ 7:25 AM 1 month ago


PILAR, Bataan- PATAY ang isang hepe ng Pilar Municipal Police Station, matapos aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm at tumama sa katawan kaninang umaga sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si PMAJ Rizaldy Rubio, 43-anyos at residente sa Barangay Tapulao, Orani, Bataan.

Ayon kay Col. Rommel Velasco, Bataan police director, dakong 4:20 AM naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Kwento ng misis ng biktima na isa rin pulis na si Police Chief Master Sergeant May Rubio, narinig na lamang niya ang malakas na putok ng baril sa labas ng kanilang kuwarto.

Agad siyang lumabas ng silid at nakita na lamang niya ang kanyang mister (biktima) na duguan at may tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng tiyan.

Isinugod naman sa Orani District Hospital ang biktima makalipas ang ilang minuto ay nalagutan rin ito ng hininga.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ng kung totoo o walang foul play sa nasabing insidente./Mary Anne Sapico