Hepe ng PNP Custodial Center inalis muna sa pwesto

Hepe ng PNP Custodial Center inalis muna sa pwesto

October 10, 2022 @ 3:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng standard operating procedure ng Philippine National Police, inalis muna sa pwesto ang hepe ng Custodial Center habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naganap na hostage-taking at pananaksak sa pasilidad kahapon, Oktubre 9.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na bahagi ng kanilang panuntunan ang pag-alis kay Lieutenant Colonel Patrick Ramillano.

“Initially, of course, ‘yung immediate commander, so tinanggal po muna natin siya. That’s automatic for administrative investigation to determine ‘yung culpability nung commander,” sinabi ni Azurin.

Matatandaan na pumutok ang balita ng hostage-taking na biktima mismo ay si dating Senador Leila de Lima habang nasaksak naman ang isang pulis makaraan nagtangkang tumakas ang tatlong bilanggo sa PNP Custodial Center.

Nitong umaga, Oktubre 10 kasabay ng pag-alis pansamantala sa pwesto ni Ramillano ay ginawaran naman si Police Colonel Mark Pespes, hepe ng Headquarters Support Service na nakapatay sa hostage-taker. RNT/JGC