Hepe ng pulisya nahulihan ng video karera, color game sisibakin!

Hepe ng pulisya nahulihan ng video karera, color game sisibakin!

April 6, 2022 @ 4:24 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sa isinagawang Press Briefing ng CALABARZON @ UR SERBIS nakarating kay PGen. Yarra ang reklamo hinggil umano sa mga ilegal na color games at video karera na mabilis itong tumugon sa pamamagitan ng panawagan sa mga Provincial Directors at Chief of Police sa Calabarzon.

Ipinag-utos ni Gen.Yarra na kaagad itong aksyunan at kapag nahulihan ay aalisin sa puwesto ang mga Chief of Police gayundin ang mga pulis na mayroong kinalaman sa nasabing ilegal na sugal ay kanyang ipatatapon sa Mindanao at aalisin sa serbisyo.

Samantala sa ikalawang pagkakataon tumugon si PBGen. Antonio Yarra sa programa ni PGen. Dionardo Carlos Chief PNP na PULIS @ UR SERBIS, matapos na magsagawa ito ng CALABARZON @ UR SERBIS sa pamamagitan ng Press Briefing na ginanap sa Multi – Purpose ng Camp Vicente Lim, Calamba City.

Ipinakita ng bawat limang probinsya na kinabibilangan ng Laguna, Batangas, Quezon, Cavite at Rizal ang kanilang mga Accomplishment partikular ang mga narekober na ilegal na droga , mga nahuling most wanted person gayundin sa illegal gambling at ilegal na tupada. Ellen Apostol