Herd immunity makakamit sa Nobyembre

Herd immunity makakamit sa Nobyembre

July 13, 2021 @ 10:40 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Tiwala ang Department of Health na maabot ang target na ‘herd immunity’ sa Nobyembre sa kabila ng delay sa panibagong suplay ng COVID-19 vaccine

Hindi makakaapekto ang bahagyang pagkaantala ng pagdating ng mga bakuna  sa inaasam na herd immunity ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire.

Katunayan ,sinabi aniya ni  Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na may paparating na 11.5 million na mga  COVID vaccines  sa bansa ngayong linggo.

Aniya hindi maiiwasan ang pagkaantala ng delivery ng bakuna ngunit nasa isa hanggang dalawang linggo lamang ang delay.

Nauna nang sinabi ng DOH na sa target na herd immunity, nasa 70% ng populasyon ang kailangan na mabakunahan sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden