Herlene, dumalaw sa puntod ng lola, binatikos!

Herlene, dumalaw sa puntod ng lola, binatikos!

November 26, 2022 @ 1:45 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang mga litratong ipinost ni Herlene Budol sa kanyang Facebook at Instagram accounts.

Herlene was seen wearing navy blue pajamas, nakapikit at yakap ang puntod ng kanyang Lola Virginia.

For the most part of her life, lumaki siyang kasama ang kanyang lolo’t lola.

Napag-alaman na ang pakay ni Herlene sa pagbisita sa puntod ng kanyang Lola Viring ay para isumbong ang kanyang naging karanasan sa Kampala, Uganda.

Herlene was supposed to represent the country in the Miss Planet International na dapat sana’y idinaos noong November 19.

Kabilang si Herlene sa mga dismayadong kandidata na nagresulta sa kanilang pagba-back out.

Herlene’s visit at her lola’s grave, however, didn’t sit well with most netizens.

Anila, malinaw daw na isang publicity stunt ‘yon para makakuha ng simpatya mula sa publiko kaugnay ng malungkot niyang international pageant experience.

May mga nagmamalasakit naman kay Herlene ang nagsabing dapat ay maging maingat sa mga pinopost niya sa social media lalo’t may pangalan na siyang nilikha.

Sa isang banda, may mga nagtanggol naman kay Herlene.

Let’s face it, isa sa mga endearing traits ni Herlene ay ang pagiging totoo at unfiltered niya.

Kinagiliwan ng publiko ang matapat niyang pag- amin ng kanyang mga limitasyon.

Herlene was even quoted to have said: “Ako ‘yung bobong willing matuto.”

Samantala, since nakabalik na mula Uganda si Herlene ay nakatakda na niyang ipagpatuloy ang taping for her first full-length series on GMA, ang Magandang Dilag. Ronnie Carrasco III