Herlene, lalaban sa Ms. Grand Int’l!

Herlene, lalaban sa Ms. Grand Int’l!

March 1, 2023 @ 3:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Her international pageant dream isn’t over yet.

Ito mismo ang kinumpirma ni Herlene Budol na kasado na ang pagsali sa Miss Grand International sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes.

Ito ang muling pagsabak ni Herlene na tinanghal na first runner-up sa Binibining Pilipinas.

She was supposed to compete in Miss Planet International in November last year pero ilan siya sa mga kandidatang nag-back out dahil sa mga lumutang na alingasngas sa host country nito na Uganda.

Ani Herlene, ang pagsali raw niya sa MGI ay bilang pagbibigay sa kagustuhan ng manager niyang si Wilbert Tolentino.

Aminado ang Kapuso star na ayaw raw naman niya talagang sumabak noon sa international pageant stage.

Pero tinatanawan niya ng malaking utang na loob si Wilbert.

Si Wilbert daw kasi ang instrumento kaya siya nagkaroon ng bahay at sasakyan.

Ito rin daw ang gumastos noong namatay ang kinalakihan niyang lola na si Nanay Bireng at pati na ang pagpapagamot sa kanyang lolo.

“Gusto ko namang paligayahin ang manager ko dahil napaligaya na niya ako,” ayon kay Herlene when asked what motivated her to join MGI.

Tinanong ni Boy kung anong paghahanda ang ginagawa ni Herlene.

“Ano’ng babaunin mo?” Boy asked, na sinagot naman ni Herlene ng, “Kapal ng mukha. Wala naman akong talent, bihira lang ang may ganitong talent.”

Ibinida pa ni Herlene ang signature na lakad niya, ang walk to success or better known as squammy look.

Hindi ikinakaila ni Herlene na nagmula siya sa squatters’ area.

“Hindi sa dina-down ko sila. Kumbaga, mino- motivate ko sila sa buhay,” aniya. Ronnie Carrasco III