Herlene, nadulas sa pool; taping, ipinatigil!

Herlene, nadulas sa pool; taping, ipinatigil!

January 18, 2023 @ 8:54 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Pansamantalang tigil ang taping ng Magandang Dilag, ang unang teleseryeng pagbibidahan ni Herlene Budol sa GMA.

Ito’y makaraang madulas siya malapit sa swimming pool ng isang kinunang eksena.

Minabuti ng produksyon na pagpahingahin muna siya nang ilang araw at saka ire-resume ang taping.

Si Herlene na rin daw kasi ang tila pabaya sa kanyang physical well-being.

When not taping for the teleserye’y nagsu- shoot naman daw ito para sa kanyang mga commercial endorsements.

Kapansin-pansin na nanghihina at patang-pata si Herlene sa tuwing magrereport sa taping.

Mabuti’t walang tinamong grabeng pinsala ang komedyana dulot ng aksidente.

Samantala, naikunek ni Herlene ang sarili niya sa kinoronahang Miss Universe 2022 na si R’Bonney Gabriel.

Iisa raw kasi ang nagdisenyo ng kanilang gown noong sumali’t manalo siyang first runner-up sa Binibining Pilipinas.

Tulad ng alam ng lahat, nag-back out si Herlene bilang kinatawan ng bansa sa Miss Planet International.

Pero tuloy pa rin ang timpalak sa darating na January 29 sa Cambodia at hindi na sa Uganda.

Inirereklamo ng manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino ang pamunuan ng MPI dahil sa ‘di nito pagsasauli ng perang ibinayad niya para sa franchise nito.

Pero nananatili pa ring national director si Wilbert ng MPI.

Dahil sa papuri naman ni Herlene sa bagong Miss Universe, marami ang kumukumbinsi sa kanyang sumali naman sa Miss Universe Philippines.

Pero aniya: “Hindi ako para doon. Pangbardagulan lang ako!” Ronnie Carrasco III