Herlene, nagprisintang maging ninang ni Baby Peanut!

Herlene, nagprisintang maging ninang ni Baby Peanut!

January 17, 2023 @ 1:51 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Isa lang si Herlene Budol sa mga nakyutan kay Isabelle Rose Tawile Manzano.

Si Isabelle Rose o mas kilala bilang Baby Peanut ang firstborn ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Isinilang siya ni Jessy nitong December 28, pero first week lang ng January nang ipost ni Luis sa kanyang social media account ang litrato ng kanilang bundle of joy.

‘Yun nga lang, isang rose emoji ang nakatakip sa mukha ng baby.

Isa nga si Herlene who took fancy at the child to the point na interesado siyang maging isa sa mga ninang nito.

Post ni Herlene: “Hi, Baby Peanut…sana kunin mo akong ninang, tapos, ang mommy at daddy mo ang magbibigay sa akin ng regalo tuwing Pasko.”

Tinugunan naman ‘yon ni Luis: “Parang iba ha?”

Obyus namang nagbibiro ang binansagang Hipon Girl sa post niyang didilhensyahan niya ng regalo ang showbiz parents ng inaanak.

As we write this, hindi pa inaanunsyo ng couple kung kailan itatakda ang binyag kay Rosie.

Ewan nga lang kung papatulan nila ang pagpiprisinta ni Herlene, o posibleng imbitahan na lang siya sa reception after the baptismal rights.

Samantala, hindi pinalampas ni Luis ang pagtawag ng isang maangas na netizen ng “pisot” sa kanilang anak.

Kinuwestyon kasi ng netizen kung bakit kinailangang takpan ng rose emoji ang mukha nito habang karga ni Luis.

Ang hindi alam ng netizen, inirereserba nila ni Jessy ang pagpapakita ng itsura ni Baby Peanut sa gagawin nilang vlog.

At for sure, mapapahiya ang netizen dahil hindi ito pisot kundi pagkaganda-gandang sanggol any parent would wish to have! Ronnie Carrasco III