Herlene, nagsasanay sa Q & A training, ready na sa Ms. Planet International!

Herlene, nagsasanay sa Q & A training, ready na sa Ms. Planet International!

November 3, 2022 @ 9:30 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Sumabak na sa pagsasanay o training si Herlene Budol sa Q & A bilang kinatawan ng bansa sa ikalawang Miss Planet International na gaganapin sa Kampala, Uganda sa November 19.

Kuha ang video sa isang silid kung saan may nag-ala emcee at dalawa pang katao.

Parang naka-gym outfit lang si Herlene.

Pinabunot ng emcee si Herlene ng tanong at binasa ito.

Emcee: Here’s your final question…if you will become a planet, what kind of planet are you?

Take note, kind of planet ang tanong at hindi which planet in the solar system will you choose to be.

Wala ring kabuntot na why ang tanong sa dulo.

Herlene: Kung ako man po ay magiging isang planeta, ang pipiliin ko ay ‘yung makulay…dahil kapag makulay, punumpuno ‘yon ng pagmamahal katulad ng mga naririto ngayon…may hayop, may tao, may isda.

Medyo indistinct ang huling linyang binitiwan ni Herlene.

In a sense, tama namang hindi siya nagbigay ng partikular na planeta dahil hindi naman ‘yon ang tanong sa kanya.

Sa ganang amin, medyo sablay lang siya sa paliwanag tungkol sa makulay na planetang gusto niyang maging.

Pero may panahon pa for Herlene to prepare herself.

Marami ang posibleng planet-related questions na maaaring itanong sa kanya.

Huwag na siyang lumayo sa planet Earth kung saan maraming issues at concerns confronting us that need to be addressed. Ronnie Carrasco III