Herlene, sumubsob, ‘pumutok’ ang boobs!

Herlene, sumubsob, ‘pumutok’ ang boobs!

February 9, 2023 @ 9:09 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Balitang nakatengga ngayon ang mga co-stars ni Herlene Budol sa pinagbibidahan niyang afternoon serye sa GMA, ang Magandang Dilag.

Ayon sa source, aksidenteng nasubsob umano si Herlene na nagresulta sa pagputok ng kanyang breast implant.

May kung anong tumagas sa kanyang boobs pagkatapos siyang sumubsob.

Ang irony, ang pinakaiingat-ingatan pa mandin daw ni Herlene ay ang kanyang inoperang ilong.

Nagpalagay daw ng nose bridge ang komedyana, na kinuha galing sa tenga niya.

In fairness, maganda naman ang kinalabasan ng surgery.

‘Yun nga lang, kabilin-bilinan ng doktor ay iwasan ni Herlene na masagi ito or else ay matatabingi o mawawala ito sa porma.

Ganoon na lang daw ang ibayong pag-iingat ni Herlene sa kanyang well-chiseled nose, not realizing na ibang bahagi ng kanyang katawan ang madadale.

Tuloy ay binansagan si Herlene bilang Reyna ng Aberya.

After all, pinangarap niyang maging reyna ng mga timpalak ng kagandahan.

In fairness, nagkaroon naman ito ng katuparan nang koronohan siya bilang first runner-up sa Binibining Pilipinas.

For all we know, kung hindi rin lang nagkaroon ng scam sa Miss Planet International, Herlene would have come home with the crown!

Sa ngayon, at the mercy ang mga co-stars ni Herlene sa Magandang Dilag sa kanya habang pinapagaling niya ang kanyang boobs na tinagasan ng implant.

Harinawang wala nang sumunod pang aberya na tila aninong laging nakasunod kay Herlene. Ronnie Carrasco III