Hermes bag ni Jinkee, pinintahan ni Heart, papalo sa P3M!

Hermes bag ni Jinkee, pinintahan ni Heart, papalo sa P3M!

November 18, 2022 @ 12:30 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Isa sa mga bagong kliyente ni Heart Evangelista ay si Jinkee Pacquiao.

In her latest video post on Instagram, makikitang nagpapaka-artist si Heart by handpainting Jinkee’s fuchsia-colored Ostrich Kelly Hermes bag.

Nilakipan ito ni Heart ng caption na: “Giving this baby a new look. Love you back @jinkeepacquiao.”

Baby kung ituring ni Heart ang anumang mahawakan ng kanyang makasining na kamay.

Tinatayang mahigit P2M ang presyo ng naturang branded bag.

As usual, naglipana ang ilang mahaderang netizen.

Kesyo magde-depreciate daw ang value nito pag ibinenta if handpainted.

Kinontra naman ito ng isang netizen na nagsabing on the contrary, pag si Heart daw ang nag-handpaint ng bag ay papalo pa nga nang mas mataas ang presyo nito.

Ginamit na basis ang pagiging legit artist ni Heart.

In other words, Jinkee’s Heart-handpainted Hermes bag can fetch as high as P3M if the owner wishes to sell it.

‘Yun ay kung ibebenta nga ‘yon ni Jinkee.

Knowing her, nangongolekta nga siya ng mga luxury bags, so what’s the point of selling them?

Speaking of Hermes bag collection, it’s interesting to know na may collection si Marian Rivera ng mga ito.

Marian’s Hermee bags come in different colors na tineterno niya sa kanyang kasuotan.

Ang kaibahan nga lang daw, Marian is not the type of branded stuff junkie who flaunts her pricey belongings on social media. Ronnie Carrasco III