Hermosa, Bataan nagpasaklolo sa DENR

Hermosa, Bataan nagpasaklolo sa DENR

August 1, 2020 @ 5:10 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagpasaklolo na ang lokal na pamahalaang panlalwigan ng Bataan at local government unit (LGU) ng bayan ng Hermosa sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang umano’y talamak na paglabag ng isang landfill facility sa Brgy. Mambog sa naturang bayan.

Matapos hilingin ang tulong ng DENR, iginiit ni Hermosa Mayor Jopet Inton na nababahala na umano sila sa tumatagas na katas ng basura mula sa econest waste management corporation papunta umano sa Mambog creek.

Ayon pa sa ulat, bukod umano sa banta sa kalusugan ng basura sa mga residente mapanganib din umano ito sa kalikasan dahil ang huling hantungan umano nito ay ang karagatang bahagi na nag-uugnay sa Manila Bay.

Sinabi pa sa ulat at sa imbestigasyon umano ng municipality ng Hermosa nitong nakalipas na Mayo 26, nadiskubre ang hindi umano pagsunod ng econest waste management corporation sa itinakdang disenyo at akmang tubo para sa katas ng basura.

Kaugnay nito, batay umano sa record pumasok sa 20-taong kasunduan ang munisipyo ng Hermosa sa econest sa kondisyong ito ang magbibigay ng technical expertise at capital para sa rehabilitasyon ng sanitary landfill bagay na hindi naman umano nasunod sa kasalukuyan.

Pinaiimbestigahan din ng LGU sa environmental management bureau ng DENR REGION 3 ang naturang landfill dahil sa paglabag sa environmental compliance ng naturang landfill. Santi Celario

Comments (5)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...