‘Hero dogs’ ng PDEA, pwede nang ampunin

‘Hero dogs’ ng PDEA, pwede nang ampunin

August 11, 2018 @ 9:25 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kung may mga nagreretirong pulis at mga opisyal, ready for retirement na rin ang mga police dogs ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa kanilang Facebook page, hinimok ng PDEA ang publiko na ampunin ang mga ‘hero dogs’ nila na kanilang iponoste sa gallery.

“The following Narcotic Detection Dogs (NDD) were declared as non-operational based on the result of the evaluation made by the PDEA Narcotic Detection Dogs Technical Evaluation Team of the PDEA K9 Unit,” sabi ng PDEA sa caption ng FB post.

Ayon sa PDEA, first time ito sa kasaysayan na magpapaampon sila ng kanilang “Narcotic Detection Dogs” na kanilang nakasama sa mga operasyon nila kontra iligal na droga.

Gagawin ang adoption sa first-come, first-served basis at kailangan lang pumunta sa PDEA main headquarters sa NIA Northside Road sa Barangay Pinyahan, Quezon City para pumirma sa adoption agreement form at adopter’s application form.

Kabilang sa mga breed na ready for adoption ang isang female Belgian Malinois na may pangalang Napoles, male Golden Retriever na si Icon at female German Shepherd na si Ivy.

Sa August 17, 2018 naman, itinakda ng PDEA ang “Adoption Day for Narcotic Detection Dogs” na bukas sa publiko. (Remate News Team)