HFMD outbreak idineklara sa Borongan

HFMD outbreak idineklara sa Borongan

March 11, 2023 @ 3:33 PM 2 weeks ago


Idineklara ng City Health Office nitong Biyernes ang Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) outbreak sa Borongan City, Eastern Samar.

Base sa pinakabagong datos mula sa City Epidemiology and Surveillance Unit ng Borongan, kasalukuyang mayroong 156 na kaso ng HFMD mula Enero 2023 hanggang Marso ang siyudad.

Sa bilang na ito, nasa 38 barangay ang nasapul ng HFMD, dagdag pa ng CESU, kung saan karamihan ng tinamaan ng sakit ay pawang mga batang lalaki na may edad na hindi lalagpas sa 10-anyos.

Kabilang sa sintomas ng sakit ay lagnat, walang ganang kumain, kalimitang pagkairitable ng sanggol at maliliit na bata, pulang rashes na walang pangangati na kung minsan ay may makikitang paltos sa palad, talampakan, masakit at mapulang paltos sa dila, gilagid at sa loob ng pisngi, masamang pakiramdam at masakit ang lalamunan.

Nananatiling nakaalerto ang syudad dahil may naiulat na rin na hawaan sa ilang mga eskwelahan. RNT