Hi-tech training robot gagamitin na ng PRC

Hi-tech training robot gagamitin na ng PRC

October 9, 2022 @ 4:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ang Philippine Red Cross (PRC) ay nilagyan na ngayon ng limang (5) state-of-the-art training mannequin upang matiyak na ang programa sa pagsasanay ng Emergency Medical Services ay naaayon sa mga internasyonal na pamantayan.

Sinasabi ng PRC na ang mga training “robot” na ito ay magbibigay ng real-life simulation experience sa mga indibidwal na nagsasanay bilang Emergency Medical Responders (EMR) at Emergency Medical Technician (EMT).

Magbibigay din ito ng kaalaman sa critical life-saving knowledge sa kanilang mga tauhan para sa Ambulance Operation Management and Mass Casualty Incident management.

“The public should know that the Red Cross is always striving for innovation, and we push to excel in any service we provide. These state-of-the-art training robots will ensure that the training we give will help people save more lives, and that is what is important to us, saving lives,” sabi ni PRC Chairman Richard Gordon.

“We really want to build a culture of safety among Filipinos by having one trained first aider in every household,” dagdag pa niya.

Ayon sa PRC, ang pagkuha ng limang mannequin ay simula pa lamang.

Plano ng PRC na magkaroon ng dagdag na lima pa na sa kasalukuyan ay ginagamit sa pagsasanay sa PRC National Headquarters. Jocelyn Tabangcura-Domenden