Hich-tech ID card holder, sikat!

Hich-tech ID card holder, sikat!

July 26, 2018 @ 2:01 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Alam niyo bang hindi lang kape ang may 3-in-1?

Trending ngayon sa social media ang isang post tungkol sa isang ID case na mayroong 128GB flash drive at 1,900mAh power bank, 3-in-1 ‘di ba? Sa kasalukuyan (July 26) umabot na sa 50,000 likes at 34,000 shares ang post na ito.

Ang nasa likod ng post sa high-tech ID na ito ay si Angelo Casimiro, Electronics Engineering student ng De La Salle University.

Ayon sa kaniya, hindi niya intensiyon na ipa-viral ang kaniyang post dahil ang gusto niya lang ay ibahagi ito sa mga kaibigan niyang mahihilig rin sa technology.

Sinabi rin ni Casimiro na nakuha lamang niya ang ideya mula sa grupo ng mga estudyanteng kumukuha ng Industrial Engineering na sina David Zinampan, Ivan Yeung, Sarah Tan, Andreana Santos, at Celine Solis, na humingi ng tulong sa kaniya para bumuo ng model sa kanilang project.

“David approached me with the idea for their school project. The moment he told me his concept, I knew he was up to something. I told him I could make a 3D printed version for them,” dagdag pa ni Casimiro.

Nagsimula lamang daw ang ideya sa biro ngunit kalaunan ay nagustuhan nila ito at nagdesisyong tawagin ang produkto na “Chargee.”

Ito ay mayroong 128GB flash drive at 1,900mAh power kung saan naniniwala silang ito ang pinakasimple pero pinakaepektibong solusyon sa mga problema ng mga estudyante, walang battery charge at higit sa lahat ang palaging nawawalang flashdrive.

Pinag-iisipan pa ng grupo kung ibebenta nila ang produkto sa publiko o hindi, ngunit kung sakaling ibebenta nila ito, ang tanong, BIBILI KA BA? (Remate News Team)