Hidilyn Diaz pinuri ng Kamara

Hidilyn Diaz pinuri ng Kamara

December 15, 2022 @ 7:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isang House resolution ang ipinasa ng Kamara na kumikilala sa bagong nakamit na tagumpay ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na nanalo ng 3 gold medal sa katatapos na 2022 World Weightlifting Championship na ginanap sa Gran Carpa Americas Corferias sa Bogota, Colombia.

Inadopt ng Kamara ang House Resolution (HR) No. 647 na inihain nina House Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre.

Si Diaz ang kauna unahang Pinoy na nanalo ng gold medal sa Olympics noong nakaraang taon, ang bagong pagkapanalo ni Diaz sa Colombia ay magbibigay daan para mapasama ito sa 2024 Paris Olympic.

“The historic victory of sweeping three gold medals in the 2022 World Weightlifting Championships is the latest addition to the Filipino athlete’s remarkable record as the first Filipina to win a World Championships crown,”nakasaad sa resolusyon.

“Dubbed as the country’s epitome of a great champion, Ms. Hidilyn Diaz humbly continues her quest to bring pride and honor to the Filipinos, and unselfishly inspires every weightlifter and athlete to work hard and gain confidence to focus on a common goal of victory,” ayon pa sa resolusyon.

Matapos maidopt sa Plenaryo ay bibigyan ng kopya ng resolusyon ng Kamara si Diaz. Gail Mendoza