Hidilyn Diaz positibo sa COVID-19

Hidilyn Diaz positibo sa COVID-19

January 12, 2022 @ 10:56 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nagpositibo si Hidilyn Diaz, ang unang Filipino gold medalist, sa COVID-19.

Sa kanyang Instagram story nitong Miyerkules, ipinakita ni Diaz ang resulta ng kanyang positive COVID-19 RT-PCR test.

“Kahit ako po, nag-positive na po,” ani Diaz sa kanyang story sabay panawagan sa lahat na manatiling ligtas.

“Ingat po tayong lahat. Magpalakas at sundin lahat ng health protocols,” wika nito.

Una rito, inanunsiyo ng Department of Health na may 32,246 na bagong kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules (January 12).Rico Navarro