Hidilyn sasabak sa exhibition match sa Bohol

Hidilyn sasabak sa exhibition match sa Bohol

August 11, 2022 @ 2:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bibida si Pinay Olympian at gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo sa sisiklab na Samahang Weightlifting ng Pilipinas National Open Championship na nakatakda ngayon taon sa Tagbilaran, Bohol.

Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella, nilinaw nito na exhibition muna ang gagawin ng bagong kasal lamang na si Hidilyn.

Hangad din umano ni Hidilyn na magbigay ng inspirasyon sa iba pang mga atleta at ipaalam na kaya rin nilang umabot sa Olympics gaya ng kanyang nagawa noong nakaraang taon sa Tokyo, Japan.

Inaasahang maraming atleta, na nag-aambisyong madiskubre at mapasama sa mga international tournaments kasama ang gaganaping Phnom Penh Southeast Asian Games at sa gaganaping Hangzou Asian Games sa susunod na taon, ang lalahok sa event.JC