Hidwaan sa PDP-LABAN, hindi susukuan ng pangulo

Hidwaan sa PDP-LABAN, hindi susukuan ng pangulo

August 11, 2018 @ 9:38 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kinakailangan pa ng isa pang pulong ng dalawang paksyon ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Setyembre para subukang ayusin ni Panguong Rodrigo Roa Duterte ang hidwaan dito.

Ito’y matapos na mabigo  ang Pangulo na pagkasunduin ang dalawang paksyon ng PDP-Laban.

Kamakailan ay pinangunahan ni Pangulong Duterte ang caucus ng partido sa isang hotel sa Maynila.

Nauna munang ipinulong nang magkahiwalay ni Pangulong Duterte ang grupo ni Sen. Koko Pimentel at ang paksyon ni Atty. Rogelio “Vic-Vic” Garcia bago sila sabay na pinagharap.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sakali’t hindi magkasundo ang dalawang paksyon ay maaaring mauwi ito sa paghihiwalay.

Sa panig naman ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, sa huli ng pulong ay nagkaroon naman ng kasunduan sa pagitan ng dalawang paksyon para ayusin ang kanilang gusot.

Iginiit din umano ni Pangulong Duterte sa dalawang paksyon na dapat unahin ang kapakanan ng taumbayan sa kanilang desisyon.

Importante aniya kay Pangulong Duterte ang PDP-Laban kaya hindi siya papayag na masira o tuluyang magkawatak-watak ang mga miyembro. (Kris Jose)