Higanteng naturalized center hanap ng Gilas Filipinas

Higanteng naturalized center hanap ng Gilas Filipinas

October 14, 2021 @ 8:50 AM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA Philippines – NANINIWALA si national team coach Pat Aquino na kailangan nila ng isang higanteng naturalized player para tapatan ang mga higanteng manlalaro ng ibang bansa.

Nagsalita si Aquino matapos ang isyu ng availability ng mga manlalaro sa panahon na kailangan sila ng bansa lalo pa ang ibang manlalaro ay naglalaro na sa ibang bansa.

“Yun ang problema ngayon natin, on how we can find some players that would be willing enough to come here and will be willing to play for us,” dagdag pa nito.

Depensa sa gitna at rebound ang problema ng Gilas Filipinas na nagtapos na 7th place sa 2021 Fiba Women’s Asia Cup sa Amman lalo pa na wala sa team ang isa nilang pambatong si Jack Animam at Kelli Hayes na parehong naglalaro sa ibang bansa.

Dahil dito, nahirapan si Claire Castro na bantayan ang paint sa pagsagupa ng mga Pinay kontra sa pinakamagagaling na teams sa buong mundo na may mga higanteng manlalaro.

Ikinatuwa ni Aquino ang posibilidad na paglaruin si National University’s Congolese center Rhena Itesi bilang naturalized player, pero biglang tumahimik ang isyu.

“Rhena Itesi was one of them, but then again, will she fit in the future?,” wika nito.

“Kailangan medyo mga bata na ulit yung makuha natin. So I’m still looking for a new naturalized player, a much taller one, posible ba na mas mataas talaga who could help us doon sa kung ano yung wala tayo dito sa Pilipinas, both sa locals or the Fil-foreign talents which is yung height.”

Okupado dati ni Fil-foreigners Hayes ang  naturalized spot ng bansa at pinalitan ito ni Mai-Loni Henson para sa paparating na torneo sa susunod na taon.

Sa ngayon umano ay pag-uusap pa lang iyan at umaasa ito na kagaya ng sa men’s basketball ay magkaroon tayo sa women’s national team ng kagaya nina Marcus Douthit at Andray Blatche at Ange Kouame para palakasin ang national team sa pagsagupa sa international competitions.

“It is a possibility with the help of SBP funding. I know that they are all out in their support for us, so we could have a possible naturalized player in the future,” wika nito.JC


  •  
  •  
  •