High-grade marijuana cultivator, nabuko, arestado

High-grade marijuana cultivator, nabuko, arestado

February 24, 2022 @ 2:35 PM 4 months ago


MANGALDAN, Pangasinan – Nabuko ang modus-operandi ng isang notoryus na high grade marijuana cultivator matapos palabasin ng mushroom o kabute ang mga pananim nito nang makuha ang aabot ng kalahating milyong halaga ng marijuana kahapon sa bayang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Jhasper Base Dalan, taga Bulacan at umuupa ng bahay sa Barangay Anolid para sa kanyang illegal na pananim ng marijuana at pinalalabas na mushroom cultivation area.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan provincial officer Rechie Camacho, gabi ng Martes inilatag ang operasyon laban kay Dalan sa nasabing lugar.

Aniya, isinailalim nila sa monitoring ang suspek matapos makatanggap ng report na hinggil sa mga pananim nitong marijuana.

Isa sa mga ahente ang nagpanggap na bibili ng marijuana at ng mag positibo ay agad nila itong pinosasan.

Bumungad sa mga otoridad ang improvised marijuana cultivation na aabot sa P480,000 na hinihinalang high-grade marijuana blocks, oil, fruiting tops, at mga punla.

Narekober rin sa lugar ang mga gamit nito gaya ng humidifier, thermometer, assorted weighing scales, vacuum sealer, at iba pa.

Sinabi ni Camacho na dinidilber ni Dalan ang kanyang illegal na kalakal sa buong bansa sa pamamagitan ng

courier services at palabas nitong ‘mushroom fruiting bags’ pero ang laman nito sa loob ay mataas na uri ng marijuana.

Sinampahan na ng kaukulang kaso laban sa suspek./Mary Anne Sapico