High immunity, mababang COVID cases sa Pinas sa gitna ng highest mobility- OCTA fellow

High immunity, mababang COVID cases sa Pinas sa gitna ng highest mobility- OCTA fellow

December 7, 2021 @ 7:12 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Maaaring natatamasa na ng Pilipinas ang mataas na lebel ng imunidad sa coronavirus disease (COVID-19) sa pagtatala ng bansa ng pinakamababang kaso ng virus sa loob ng 20 buwan habang pinapayagan ang highest mobility sa mga Pilipino, ayon sa OCTA Research nitong Lunes.

Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, sinabi ni Fr. Nicanor Austriaco na patuloy na bumubuti ang hospitalization levels sa bansa kahit pa pinakadominante ang Delta variant sa bansa.

Itinuturing ang Delta bilang pinaka-nakahahawang variant bago pa matuklasan sa South Africa ang Omicron variant na hindi pa nakapapasok sa Pilipinas.

“We are currently with Delta, the most infectious variant in the past 20 months, the highest mobility in the past 20 months,” ani Austriaco.

“More and more kababayans are moving around and yet we are experiencing the lowest level of cases and hospitalizations in 20 months,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Austriaco na nauna na umanong ianunsyo ng Makati Medical Center na wala itong pasyente ng COVID-19 nitong Lunes. Aniya, tipikal na ito sa mga ospital sa Pilipinas.

“What these three mean is that it suggests that we have obtained substantial population immunity from natural infections and vaccination in urban areas of the Philippines,” paliwanag ni Austriaco. RNT/SA