High-profile crimes tatalakayin ni Speaker Romualdez, PNP, DILG

High-profile crimes tatalakayin ni Speaker Romualdez, PNP, DILG

February 27, 2023 @ 10:39 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Linggo na makikipagpulong siya sa Philippine National Police (PNP) at sa Department of Interior and Local Government (DILG) ngayong Lunes para talakayin ang paglaganap ng high-profile crimes at iba pa kamakailan sa bansa.

“Nakakabahala na dahil parang halos every week may malaking balita tungkol sa mga napapatay sa kalye,” pahayag ni Romualdez.

Sinabi rin niya na nais niyang malaman kung anong gagawing aksyon ng PNP at ng DILG para mapigilan ang mga ganitong krimen sa hinaharap.

Nito lamang Biyernes, kinumpirma ng mga pulis na binaril si Datu Montawal sa Maguindanao del Sur ng hindi pa nakikilalang assailants sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Manila nitong Miyerkules ng gabi.

Noong nakaraang linggo naman, nagtamo ng tama ng baril si Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. matapos tambangan ng grupo ang kanyang convoy sa bayan ng Maguing.

Samantala, nasawi si Aparri Vice Mayor Rommel Alameda at lima pa sa isang ambush sa Nueva Vizcaya. RNT/SA